Thursday, February 13, 2014

FEATURED WRITER OF THE WEEK: Keired, ang Author ng "My Secret Wife"

Sa panahong to, marami na ang mga naglalabasang talento ng Pilipino, isa na diyan ay ang pagsusulat ng mga kuwento. Totoo nga naman talaga ang sabi nila, ang mga Pilipino ay mahilig gumawa ng kuwento galing sa kanya kanyang imahinasyon.

Nang nauso ang Wattpad, eto ay isang online community ng readers at writers, maraming Pinoy din ang naglabasan ng kani-kanilang talento sa pagsulat. Hindi natin maikakaila na marami talaga ang sumisikat na at nagkakaroon na ng mga published books.

Photo of Keired
Alam niyo ba yung "My Secret Wife"? o yung "Fake Fiance" na mayroong higit sa isang milyong reads kasalukuyan at kasama pa din sa Top Chicklist and Romance categories? Kung alam niyo, aba e di kilala niyo din ang sumisikat na si Keired? Oo! Si Keired na isa sa mga taong nagpapakalat ng kakiligan sa Wattpad at sa kung saan pa. Usap-usapan ng ibang readers. At higit sa lahat walang sawang nagpapatuloy sa pagsusulat para maibahagi sa iba.

Si Keired din ang author ng "My Royal Secret" na may higit 200,000 reads at kasalukuyan #8 sa Adventure at #74 sa Teen Fiction categories. Isama na natin ang iba pang gawa niya na "Maid for You", "My Secret Affair", "Dallen's Sweet Karma", at "My Secret Bodyguard".

Inimbitahan ko si Keired for a short interview, para malaman ng mga readers niya kung sino siya at kung ano sekreto niya sa mga successful na kuwentong nagagawa niya.

LAYP IS ANPEYR: Call Center Agent Kuno

Ako si Marcus. Nagtatrabaho ngayon sa isa sa mga kilalang call centers, isang BPO company ang tawag ng iba. Oh di ba, so ibig sabihin niyan magaling ako mag-english? Hindi naman, at ang kuwento ko ngayon ay hindi naman tungkol sa akin kundi tungkol sa babaeng hanep kung mag-english araw-araw. Yung tipong akala niya ay tama lahat ng pronunciation at grammar niya, mas madalas pa nga ang pagkakabaluktot ng pag-english niya. Hindi naman sa sinasabi ko na perpekto ako magsalita, which is not. Oh, sample lang yun. (haha)

Isang araw, nagkasabay kami sa jeep, kaka-awas lang namin noon sa trabaho, kasama pa yung isa naming katrabaho. So si ate englisera, super english na nakikipag-usap sa amin. Kami naman ay panay oo at okay lang ang sagot. Tapos, patango-tango na lang pero sa isip-isipan ko at siguradong pati ang kasama namin ay "Putcha ka.. Magtagalog ka na at mahiyan ka naman and daming estudyante." Yun ang gusto kong sabihin ngunit hindi maibuka ang bibig. Alam mo yung pakiramdam na parang ikaw na lang ang mahihiya sa ginagawa niya. Plus pa na kilala pang mahirap makapasok sa pinagtatrabahuhan namin tapos siya yung produkto ng kompanya, na maririnig ng ibang tao? Nakakahiya! Wait lang ibahin ko - NAKAKAHIYA. Kapital letters na para may diin ng todo. 

Tuesday, January 28, 2014

The Road of Reality: Chapter 1

Eto na naman tayo, isa na naman sa mga ordinaryong araw ng buhay ko. Yeah! Indeed it is. Normal lang bumaha sa lugar namin. Kaya eto ako nakatunganga na naman sa bintana habang tinatanaw ang mga taong sumusulong sa baha. Twenty one years na akong nakatira sa lugar kung saan masyadong mapalad pagdating sa baha, ang bayan ng Sta Rosa, Laguna. Kunting ulan lang nga, dapat ka nang magexpect na ilang oras na lang may ilog na naman sa harap ng bahay niyo. Member nga naman ako ng Red Cross pero di ko man lang magawa tumulong sa mga sumusulong sa baha. Hirap naman kasi pagwalang gamit, di mo alam kung ano uunahin. Safety first nga naman talaga. So ang malaking tulong na magagawa ko ay ang prayers na lang na sigurado ay makakaligtas sa lahat ng tao. Akala niyo wala akong alam sa prayers, of course meron din. Isa akong tao na pinalaki ng magulang ko na nagsasamba every Sunday.

Masyado na kong maraming nasabi sa baha na yan. Basta yon na yon. After few hours, huhupa din yan. Since I started this saying na ordinaryong araw lang ito, well ako din ay isang ordinaryong tao lamang. I'm 21 years old born and raised here sa Sta Rosa. Ordinaryo lang din features ko, isang hamak lang naman na morenong tao, na medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, and of course maninipis na labi na alam ko ay gusto ng mga kababaihan. Nagsimula ba ako na masyadong mayabang? Totoo naman yun di ba? And before I'll let you know more about me, my name is John, yun nga, ordinaryong ordinaryo lang din.

Sunday, January 26, 2014

LAYP IS ANPEYR: Pogi Problems

Ako si Mark. Oh yes! Pogi, matangkad, maputi at habulin ng mga babae. Pati nga mga bakla dyan e walang tigil sa kakatingin sa akin, madalas titig talaga. Ako ay ipinanganak na may kaya sa buhay. Ang ibig kong sabihin, si mama at papa ay may kanya kanyang trabaho at pinalad pa na unico ijo.

Dahil nga sa may kaya kami, wala naman ako masyadong problema sa buhay, yun lang ata ang kagwapuhan ko ang pinakamatindi. Minsan kasi pagnaglalakad ka sa mall, bigla na lang magtitilian ang grupo ng mga bakla. Nagiging sakit sa ulo. Minsan naman, babanggain ka pa ng mga panget na babae na tipong kunwari'y di sinadya. Pero confident na confident naman ako sa kagwapuhan ko. Ang laki ng kumpyansa ko talaga sa sarili ko. Kung sino nagugustuhan ko, nakukuha ko.

Saturday, January 25, 2014

LAYP IS ANPEYR: Intro

Eto na naman ako, kuha ng ballpen at ang dati ko pang biniling notebook. Ngayon, iniisaisa ko na ityp gamit ang phone ko dahil wala sa akin ngayon ang laptop ko. At dahil sa wala akong magawa ngayon, naisipan ko na magsulat na lang: may sense man o wala.

Kung binabasa mo to ngayon, ABA! Binigyan mo na ng panahon, siguro ay wala ka lang magawa. At dahil nasimulan mo na, mas mabuti na din sigurong tapusin mo na din. Ikaw na din maghusga kong sadyang may sense o marami lang talaga akong gustong sabihin.

Wait lang! Ano nga ikukuwento ko? Di pa to ang kwento ha, bibigyan ko lang kayo ng heads up sa kung ano ang mababasa niyo.

2014! New Year! New Blog! New Stories!

Dahil bagong taon na at lumipas na ang 2013, napagisipan kong gumawa ng isa na namang blog, ang previous kong blog ay IAmMar13 Review kung saan naglalaman ng mga current events, news and anything under the sun. Pero hindi na siya updated, nawalan kasi ako ng time gawa ng trabaho. At dahil bagong taon na nga, sisikapin kong makatapos ng mga kuwentong may sense man o wala sa paningin ng tao. Basta ang akin lang ay masimulan at matapos ko.