Ako si Mark. Oh yes! Pogi, matangkad, maputi at habulin ng mga babae. Pati nga mga bakla dyan e walang tigil sa kakatingin sa akin, madalas titig talaga. Ako ay ipinanganak na may kaya sa buhay. Ang ibig kong sabihin, si mama at papa ay may kanya kanyang trabaho at pinalad pa na unico ijo.
Dahil nga sa may kaya kami, wala naman ako masyadong problema sa buhay, yun lang ata ang kagwapuhan ko ang pinakamatindi. Minsan kasi pagnaglalakad ka sa mall, bigla na lang magtitilian ang grupo ng mga bakla. Nagiging sakit sa ulo. Minsan naman, babanggain ka pa ng mga panget na babae na tipong kunwari'y di sinadya. Pero confident na confident naman ako sa kagwapuhan ko. Ang laki ng kumpyansa ko talaga sa sarili ko. Kung sino nagugustuhan ko, nakukuha ko.
One time, may bumangga sa aking babae at ang matindi pa ay may mga dala siyang libro. Aba! Sinadya ba naman ihulog lahat at nag-antay pa na kunin ko para sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang humarap mula sa pagkakayuko, ang ganda niya, sobra. Ang puti niya at ang pula ng mga labi niya na parang ang sarap sunggaban. Ang mga mata niya na parang nangungusap at nang-aakit na parang nagsasabing, "angkinin mo ako."
Dahil sa nabigla ako, and ending natulala ako ng ilang segundo na tinititigan ang mukha niya. Nang natauhan na, dinampot ko ang mga librong nahulog at nagkangitian kami ng iabot ko yun sa kanya. Sympre kahit alam kong planado at sinadya niya ang nangyari, nag-sorry na lang ako para go with the flow lang.
Niyaya ko siya na magcoffee as a peace offering kunwari. As expected, pumayag siya. Dumerecho na kami sa Starbucks at dun nagkwentuhan hanggang sa nagkapalitan ng number.
After ng isang oras na pag-uusap namin, may pumasok na babae, ang sexy, ang tangkad, at parang si Anne Curtis sa puti at ganda. Yun lang! Nabalin ang atensyon ko sa kanya. Feeling ko e jackpot ako sa mga oras na yun, kumindat kasi sakin. Mukhang nahalata ni Janice (sya ang nakabangga sakin). Sabi niya, "Uwi na tayo?"
Syempre ako, grinab ko ang opportunity sa posibleng mangyari sa araw na iyon kaya sumagot ako ng, "Sige mauna ka na, magpapalamig na muna ako dito." At yun ang matinding alibi ko kasi mas maganda ang sa kabilang table.
"Hindi mo ako ihahatid?" Tanong pa niya.
"Biglang sumakit paa ko e, text mo na lang ako pagnakauwi ka na." Dagdag pa sa alibi ko.
Tumalikod at umalis na din si Janice ng walang nasabi. Tinitigan ko ng maigi ang babaeng nasa kabilang table hanggang sa siya'y tumayo at lumapit sa akin.
"Hi I'm Trish," pakilala niya. Pangalan pa lang, yummy na.
"I'm Mark" pakilala ko naman sa sarili at nagkamayan kami.
Matagal din ang pag-uusap namin kasama ang pagbigayan ng number sa isa't isa. Matapos ang kwentuhan namin, hinatid ko siya pauwi.
Mga 6PM na ata nun ng naglalakad ako pauwi, may mga baklang nagtilian at laking gulat ko ng nakita kong tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo din papalayo. Tumawid ako sa kalsada at ang narinig ko lang ay "eeeeekkkkk" na tunog ng pagpreno ng sasakyan at "boom".
Eto ako ngayon nakaupo lang sa kama sa ospital. Pakiramdam ko magang maga ang mukha ko. Naghanap ako ng salamin at nakita ko ang naging resulta ng ka-anpeyran ko sa buhay. Isa lang masasabi ko, "Pogi problems ako noon, face problems na ngayon."
Susunod: LAYP IS ANPEYR: Call Center Agent Kuno

No comments:
Post a Comment