Eto na naman ako, kuha ng ballpen at ang dati ko pang biniling notebook. Ngayon, iniisaisa ko na ityp gamit ang phone ko dahil wala sa akin ngayon ang laptop ko. At dahil sa wala akong magawa ngayon, naisipan ko na magsulat na lang: may sense man o wala.Kung binabasa mo to ngayon, ABA! Binigyan mo na ng panahon, siguro ay wala ka lang magawa. At dahil nasimulan mo na, mas mabuti na din sigurong tapusin mo na din. Ikaw na din maghusga kong sadyang may sense o marami lang talaga akong gustong sabihin.
Wait lang! Ano nga ikukuwento ko? Di pa to ang kwento ha, bibigyan ko lang kayo ng heads up sa kung ano ang mababasa niyo.
Sabi daw nila, life is unfair. Agree ka ba? O sadyang isa ka lang sa mga tao na di kuntento sa kung ano meron ka ngayon? Dapat ba kung may touchscreen phone siya dapat ikaw din? Dapat ba kung maganda siya dapat ikaw din? Ano to lokohan? What's the use of living life with challenges thru imperfections? Paksheeet! Napa-english tuloy ako, nosebleed ako dun ah.
Basta ang masasabi ko lang din ay, ang katangahan hindi namamana kundi namumuo sa sarili. In short, kung tanga ka, e di tanga ka wag mo ng idamay ang kapatid o ang kamag-anak mo. At sa totoo lang gawa mo din naman yun, wag kang pa-layp is anpeyr anpeyr dyan.
Susunod: LAYP IS ANPEYR: Pogi Problems
No comments:
Post a Comment