Nang nauso ang Wattpad, eto ay isang online community ng readers at writers, maraming Pinoy din ang naglabasan ng kani-kanilang talento sa pagsulat. Hindi natin maikakaila na marami talaga ang sumisikat na at nagkakaroon na ng mga published books.
![]() |
| Photo of Keired |
Si Keired din ang author ng "My Royal Secret" na may higit 200,000 reads at kasalukuyan #8 sa Adventure at #74 sa Teen Fiction categories. Isama na natin ang iba pang gawa niya na "Maid for You", "My Secret Affair", "Dallen's Sweet Karma", at "My Secret Bodyguard".
Inimbitahan ko si Keired for a short interview, para malaman ng mga readers niya kung sino siya at kung ano sekreto niya sa mga successful na kuwentong nagagawa niya.
Ang aking unang tanong, Sino po si keired? Anong buhay meron siya? Ano ang dapat namin malaman sa kanya?
Si Keired ang babaeng pula. Proud to be weird and crazy. Mission niya ay ang pakiligin lahat ng mambabasa niya.
Gaano na po kayo katagal nagsusulat at ano/sino ang nag-udlot sa inyo para magsulat?
Grade six, naisulat ko ang aking unang kwento-- Ang Alamat ng Libro. Bata pa lang ako mahilig na ako gumawa ng kwento sa utak ko. Hindi ata ako makakatulog ng hindi nagde-daydream.
Noong matuklasan ko ang Wattpad, sinubukan ko ipost yung pinaka-una kong novel na nagawa. Hanggang sa naging hobby at stress reliver ko na ang pagsulat.
Ano po ang nagiging inspirasyon ninyo para magsulat ng mga stories na kinigigiliwan ng marami ngayon?
Inspiration? Even a garbage inspired me to write. Seyoso! Nanunuod lang ako ng balita bigla ng lumilipad utak ko at napapasok sa bahay-imahinasyon ko. May nakita lang akong couple na dumaan. Ma-stalk ko lang ang mga bias at crush ko. Mapaglabasan lang aki ng love problem. Bigla na lang ako niyan mapapangiti kasi swak na swak na para sa isang storya na ginagawa o gagawin ko.
Katulad ng ibang aspiring writers, pinapangarap niyo din po ba na mapublish ang inyong mga nasulat?
Oo naman! Pero may kaunting doubt. Pero mas lamang na gusto kong ipublish. Bukod sa may pera ka na, nakakapagshare ka pa ng kakiligan mo.
Sa lahat po ng characters na inilikha niyo, kanino mo mahahalintulad ang iyong buhay, at bakit?
Lagi ko 'tong pinag-iisipan. Sino nga ba ang hawig sa akin? Karaniwan kasi ng ginagawa ko ay yung tipong hindi magiging ako pero gusto kong maging.
Pero kung kailangan talaga ng sagot, si Demi Magsaysay sa Fake Fiancé. Pareho kasi kaming madaling ma-misunderstood na snob, masungit at boring pero deep inside mas gustong mapalapit sa madaming tao at may pagkaloka-loka rin. Pareho din pala kaming mahilig magbasa. Higit sa lahat handang i-sacrifice ang sariling kaligayahan para sa pamilya.
Joke lang pala yung una kong sinabi na wala akong maiihalintulad XD
Alin sa mga nasulat mo ang sa tingin mo ang pinakamaganda at bakit?
Technically (grammar,spelling, pahsing, setting, time, character), masasabi kong ang Fake Fiancé. Pero pagtungkol naman sa love,deepness, drama, at lesson, mas maganda ang My Secret Wife.
Ano pang mga stories ang dapat iexpect ng mga readers mula sayo?
More action, chicklit and romantic-comedy. May sinusubukan din akong gawing hostirical-fantasy (time traveling) na story. Syempre ang pangarap kong isulat-- dystopian story.
Ano pong mensahe ang maibibigay ninyo sa mga writers na nagsisimula pa lamang? Anong advices ang maibibigay ninyo para madiskubre din ang kanilang mga sinulat?
It takes time and hardwork. Gusto niyo makilala ang story niyo? Dapat pagtuunan niyo ng pansin. May mga favorite author ako na talagang nanunuod pa ng documentary for story research nila.
Wag mag focus sa rated R na story, okay? Writing is not all about bed scene. Nauuso na kasi yan sa Wattpad ngayon. Masasabi ko lang, hindi writer ang gusto niyo kundi mapaglalabasan lang ng libog.
Don't ignore your readers. Kung gusto mong may magbasa pa ng mga susunod mong stories, dapat maging malapit ka sa kanila. Naaalala ko may nagsabi sa aking reader na kapag daw pinapabsin mo sila mas ginaganahan silang basahin ang story mo.
Lastly, enjoy writing. Dapat na hilig mo talaga. Kung hindi magiging boring lang at iiwan niyo rin eventually.
Ano pong mensahe ang maibibigay ninyo sa lahat ng iyong mga readers na walang sawang nagsususporta sa mga gawa mo?
OMG! Alam ko sawa na kayo sa kaka-thank you ko sa inyo ngunit, muli't muli, MARAMING SALAMAT! Wag kayong magsasawang basahin ang story ko ah? And don't be afraid to chat me. I'm fb away.. Keidie Red. Tapos sa twitter.. KIMwillbe
(okay nag advertise na :))
Name: Kim Dapal
Sa mga simpleng tanong na yun at sa mga sagot ni Keired, masasabi ko isa siyang masayahing babae na gusto magshare ng kakiligan and happiness sa lahat. Bisitahin ang kanyang profile at kung hindi mo pa nababasa ang kanyang mga sulat, simulan mo na... Now na... Wattpad profile: Keired

No comments:
Post a Comment